Miyerkules, Agosto 28, 2013

Salamat sa Wika



SALAMAT SA WIKA
    (by marlon dulay)

I
Wika,isang yaman ng bansa
maraming lipi dito ay nasawi
pinaglaban pamana ng bayan
para masilayan ng mamamayan

II
Tagalog ang naging batayan
upang mabuo ang wika ng bayan
si amang Quezon unang nagsulong
upang bumalong nakatagong dunong

III
Walong pangunahing wika
ang taglay nuon ng ating nayon
sila ang mga naging inspirasyon
upang Filipino,mag-alab ang layon

IV
Waray at kapangpangan
cebuano,ilokano
tagalog,hiligaynon
panggasinan at bikolano

V
Ang walong pangunahing salita
ay nagkaisa at nuon ay nagwika,
magkaroon nawa,ng iisang salita
na mangunguna at magiging dakila

VI
Salitang mag-uugnay sa bawat himaymay
ng bawat filipinong may dakilang uhay
ating pasalamatan,wika ngayong taglay
dahil sa kanya,lahing filipino ay nabubuhay




para sa pag-alala sa
ARAW NG WIKANG PAMBANSA